Biyaheng Ewan

5 min read

Deviation Actions

originalnameless's avatar
Published:
2.3K Views
"'TOL, MAY MUTA KA PA"
Bati ko 'yan sa sarili ko sa salamin bago ako umalis last Sat, may meeting kasi ang :iconinfernokrusher: (siyempre tinanggal ko 'no?)

Ok, punta na 'ko sa "terminal" papuntang Baclaran, trapik ah. Pero tanaw ko 'yung sasakyan ko, nasa malayo, ayaw patakbuhin ng kupal na traffic enforcer (trivia: walang trapik dito nu'ng wala pang traffic enforcers, ini-enforce talaga nila ang trapik? :o) Walang trapik, kaso ginawang one-way ng mga kumag ang two-way highway, pinigilan 'yung mga sasakyan na palabas ng Cavite ang ruta tsk tsk! :no:

After ilang sandali, mga 50 minutes, nakaandar na rin mga sasakyan, yes! Nakasakay na 'ko. Manila, here I come (again), pagsapit ko sa Gahak, nagpuno pa ng pasahero 'yung driver, 'kaasar, 'kainip. Uy, teka may bumaba du'n sa isang bus, babae, pang-beach ang body (seksi talaga, promise!) naka-white polo-shirt with red stripes na damit kaya medyo nawala ang inip ko, pero saglit lang, pagtingin ko sa ibang mga pasaherong lalaki sa bus, parang pare-pareho kami ng iniisip (mga bastos!) :D

Okay, takbo na ulit. Hindi nagtagal nakarating ako sa Baclaran, pagbaba ko naglakad ako (naglalakad talaga ako papuntang mrt station, binobola ko sarili kong exercise 'yun pero ang totoo, kuripot lang ako), hindi pa 'ko nakakalayo nu'ng nakaamoy ako ng mabantot :iconimseriousplz:, amoy-imburnal, ewan ko kung dahil umulan nu'ng nakaraang gabi o hininga ko lang 'yun.

Pagsapit ko sa mrt station, may nakasalubong ako sa hagdan, lalaking naka-polo ng orange, parang uniform na sa gitna pa talaga dumaan kahit masikip 'yung hagdan, parang tulala 'yung lalaki o baka nadukutan, pagdating ko sa may riles sakayan na, hindi pa nakakababa 'yung mga nanggaling north, nagsusumiksik na papasok 'yung mga kasaabay ko, narining ko tuloy 'yung isang pababa "parang hindi makakasakay ah!" OO nga naman, nasa riles lang naman ang mga tren eh, hindi naman mawawala. Pagpasok ko suwerte, may upuan :iconaboishappyplz: uy, 'yung katapat ko, gandang babae, kaso kasama boypren (bakit an'daming seksi at maganda sa mundo? Tsk, tsk! Tama sila, maraming tukso sa mundo, iwas tayo dapat okie?)
May mga nakatayo sa tapat ko, may babae rin pero hindi ko na inalok ang upuan ko (madalas gentleman ako, pero that time, ayoko lang hehe pero na-guilty ako pagkatapos) nang bigla ko napansin 'yung katabi kong mama, kalbo, naka-long leaves (long sleeved poloshirt) nakasandal sa'kin, tulog. GRRR!
Pagtingin ko sa babaeng nakatayo, naka-short pala, maikli, iniiwas ko 'yung paningin ko sa tukso, may nahagip naman ang mata ko na binti, maputi at makinis, pagtingin ko, lalaki pala :iconsweatdropplz: kaya du'n na lang ako tumingin sa tsiks hehe :D

Okay, finally, dumating ako sa meeting place, teka bakit wala 'yung mga kasama ko? :iconaloneplz: baka sa ibang place ang meeting huhu :(

After ilang minutes, dumating si Sir Sho, then si Sir Lowe tapos sunod-sunod na. May dumating din na babae, seksi, dumiretso sa kabilang table,  naka-short ng maikli, labas ang likod, pagtingin ko kay Sir Lowe, napasulyap din siya du'n sa babae HAHA! SIR LOWE UMAMIN KA!! :lmao:

We discussed a lot of things, including the upcoming FREE COMICBOOK DAY on May 4th, sa Quezon Ave. 'yun, sa National Bookstore, KITA-KITS tayo du'n! :icongreatjobplz:
Tapos nanglibre sina Sir ng pizza, at chicken at salad, :iconhungryplz:

After that, nanood sila ng Iron Man 3, habang kami nina :icontikbaloycube: at Berlouie, pumuntang Nat'l Bukstore wala lang, bili si Brother Lui ng board peper habang nang-ookray kami ng mga comics sa shelves hehe :D Sabi ng isang babae du'n sale daw sa Sat ng graphic novels, Php 200 na lang 'yung iba, iniimbita kaming pumunta eh kasali naman talaga ang HPS du'n haha :icondontunderstandplz:
Inabot pa kami ng ulan, pambihira saglit lang 'yung ulan pagbalik namin BAHA NA! HANGGANG LEEG!  (ni Dagul) kaaya umiba kami ng ruta

Pagdating ko sa Taft, meron masasakyan papuntang Cavite kaya ok! :hooray: Pagdating ko sa Sm Bacoor, nakasakay na rin ako agad kaso pagdating ko sa Bacao, PUTEK! Trapik! Inabot ako ng 2 hours sa sasakyan kakahintay mag-go... 'Yun pala may sumabog daw na tangke yata or tanker ng lpg kaya ganu'n, akala ko nagti-trip lang 'yung mga enforcers hehe

Prior to that, sa biyahe, may babaeng sumakay sa bus, kaso puno na, nakatayo siya, dala yata ng guilt ko nu'ng umaga sa mrt, ibinigay ko 'yun upuan ko (sabi ko sa inyo gentleman ako eh ;p) kaya ako ang tumayo kaso mababa pala ang bus, sumakit ang leeg ko kakapilit papandakin ang sarili ko para kumasya GRRR!

After 2 hours nakauwi din ako. (FINALLY!)

Hindi ko natuklasan kung saan nanggaling 'yung amoy-imburnal :iconimveryseriousplz:

****************************************************************************************

:iconcommissionsopenplz: COMMISSIONS --> originalnameless.deviantart.co…
© 2013 - 2024 originalnameless
Comments15
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
edwardjener's avatar
Binasa ko talaga to. hahaha
Mabilis din pala mata mo sa mga chiks! :D